26,456 na bagong kaso ng COVID-19, naitala ngayong araw

Nasa 26, 456 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bansa ngayong araw, January 8, 2022.

Ayon sa talaan ng Department of Health, nasa 2,936,875 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa virus.

Sa naturang bilang, nasa 102,017 ang aktibong kaso o 3.5 percent.

Nasa 2,782,723 naman ang bilang ng mga gumaling o 94.8 percent.

Nasa 265 ang bilang ng mga bagong namatay ngayon araw. Sa kabuuan, nasa 52,135 ang kabuuang bilang ng mga nasawi o 1.78 percent.

Ayon sa DOH, lahat ng laboratoryo ang operational habang anim na laboratoryo ang hindi nakapag-sumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.

 

Read more...