300 milyon katao nag-positibo sa COVID-19

Pumalo na sa 300 milyon katao ang nag-positibo sa COVID-19 sa buong mundo.

Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng kaso ang Omicron variant.

Nabatid na sa nakalipas na pitong araw, 34 na bansa ang nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Umabot sa 13.5 milyon ang nadagdag sa talaan sa nakalipas na linggo lamang.

Nangangahulugan ito ng pagtaas ng 64 percent.

Nagbabala naman si World Health Organization chief Tedros Adhanom Ghebreyesus na hindi dapat na tratuhin na mild ang Omicron dahil marami na ang nao-ospital at namamatay.

 

 

 

Read more...