Pangulong Duterte, walang balak magdeklara ng martial law sa bansa

PCOO photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng martial law sa bansa.

Ito ay kahit na tumataas ang kaso ng COVID-19.

Ayon kay acting presidential spokesman Karlo Nograles, fake news ang kumakalat sa social media na magdedeklara ng batas militar ang Pangulo.

Hirit ni Nograles, dapat nang itigil ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan.

Hindi kasi aniya nakatutulong sa bansa ang mga maling impormasyon.

Una nang pinabulaanan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang ulat na magdedeklara ng martial law ang Pangulo.

Read more...