Naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 21,000

Lumagpas na naman sa 21,000 ang naitalang kaso ng naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Biyernes ng hapon (January 7), 21,819 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Dahil dito, pumalo na sa 2,910,664 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 77,369 o 2.7 porsyento ang aktibong kaso.

2,438 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 70,321 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,837 ang moderate, 1,461 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 129 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 51,871 o 1.78 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 973 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,781,424 o 95.6 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...