Pangulong Duterte, nakatanggap na ng COVID-19 booster shot

PCOO photo

Nabigyan na ng booster shot kontra COVID-19 si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay acting Presidential spokesman Karlo Nograles, Sinopharm ang ginamit na bakuna sa Pangulo.

Una rito, sinabi ng Pangulo sa kanyang ‘Talk to the People’ na naturukan na siya ng booster shot.

Matatandaang Sinopharm din ang ginamit ng Pangulo sa first at second dose.

Read more...