Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (January 7), 42,854 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 850 ang aktibo pang kaso.
Wala namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 41,879 pa rin ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES