Pumalo na sa 300.86 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 300,864,100 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 59,564,116 cases.
Sumunod na rito ang India na may 35,226,386 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,395,322 naman ang kaso sa Brazil habang 14,015,065 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 11,183,238
– Russia – 10,601,300
– Turkey – 9,787,274
– Germany – 7,399,003
– Italy – 6,975,465
– Spain – 6,922,466
– Iran – 6,203,046
– Argentina – 6,025,303
– Colombia – 5,242,672
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,490,090 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 257,558,714 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.