Ayon kay Belmonte, mas makabubuting iwasan na muna ang pagsasagawa ng mass gatherings sa mga barangay para masiguro na ligtas ang lahat sa virus.
“Dahil inaasahan na natin ang mga pagtitipon sa mga piyesta, Chinese New Year at iba pang pagdiriwang sa mga susunod na buwan, minabuti na nating kumilos agad upang maiwasan na ang mass gatherings na posibleng pag-ugatan ng pagkalat ng COVID-19,” pahayag ni Belmonte.
Base sa inilabas na Memorandum No. 02-22, bawal ang prusisyon, parada, Santacruzan at iba pang barangay fiestas, religious festivals, services, Chinese New Year at iba pang community celebrations.
Bawal din ang mass gatherings, gaya ng fairs, perya, variety shows, fireworks displays, ati-atihan at iba pang public performances.
“Public games and contests, such as pageants, singing or band contests, bingo, pabitin, paluan ng palayok, agawan, or tug of war are also prohibited,” pahayag ni Belmonte.
Bawal din muna ang tournaments, group contact sports gaya ng basketball, public buffets at boodle fights.
Bawal din ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar, videoke at iba pang merrymaking at commingling activities.
Papayagan naman ni Belmonte ang iba pang mga aktibidad para sa mga indibidwal na bakunado na at susunod sa social distancing at iba pang health protocols.