Active COVID-19 cases sa Muntinlupa City lumubo sa higit 700
By: Jan Escosio
- 3 years ago
Nadagdagan ng 288 bagong COVID-19 cases sa lungsod ng Muntinlupa at nagresulta ito sa paglobo ng mga aktibong kaso sa 732.
Base sa datos na inilabas ng City Health Office, pinakamaraming aktibong kaso sa Barangay Putatan sa bilang na 154, sinundan ng 101 sa Barangay Tunasan; 97 naman sa Barangay Ayala Alabang at 95 sa Barangay Cupang.
Samantala, 88 sa Barangay Poblacion, sa Barangay Sucat ay may 79; 67 sa Barangay Alabang, 39 sa Barangay Bayanan at 12 sa Barangay Buli.
Ang kabuuang bilang ay 59 porsiyento na mas mataas kumpara sa naitala na 459 noong nakaraang Miyerkules.
Sa kabuuan, 28,386 COVID-19 cases na ang naitala sa lungsod.
Kabilang si Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa mga sumuporta sa resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) na naglilimita sa kilos ng mga hindi bakunado.