Sapat na suplay ng uling pinatitiyak ni Sen. Win Gatchalian para iwas malawakang blackout

Senate PRIB photo

 

Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa Department of Energy (DOE) na tiyakin na may sapat na suplay ng uling sa bansa para maiwasan ang pagtaas ng presyo. Kasunod ito nga desisyon ng Indonesia na itigil muna ang pagbebenta ng uling sa ibang bansa ngayon buwan. Ayon kay Gatchalian kapag nagkulang ang suplay ng uling sa mga planta ng kuryente ay maaring magresulta sa malawakang blackouts. “Part of the contingency measures should be to ensure the adherence of coal-fired power plants to the 30-day minimum inventory requirement (MIR),” sabi ng namumuno sa Senate Committee on Energy. Dapat din aniya ikunsidera ng gobyerno ang paghahanap ng ibang mapapagkuhanan ng suplay ng uling. Binanggit ni Gatchalian na ang Indonesia ang pangunahing source ng uling ng Pilipinas at ang 57.17 porsiyento ng kuryente sa bansa ay mula sa paggamit ng uling.

Read more...