Mariin itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na magdedeklara ng Martial Law bilang isa sa mga hakbang ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID 19.
“Not true, fake news,” diin ni Lorenzana kaugnay sa mga social media posts na naghihikayat sa lahat na mag-imbak na ng mga pagkain at mga pangunahing pangangailangan dahil magdedeklara ng Batas Militar si Pangulong Duterte.
Base sa mga posts, ang Batas Militar ay idedeklara ngayon gabi at tatagal hanggang sa Enero 30.
Pagtitiyak ni Lorenzana hindi kasama sa mga ikinukunsiderang hakbang ang deklarasyon ng Batas Militar.
Diin nito, walang mabigat na dahilan para magdeklara ng Martial Law.
READ NEXT
Bahala na ang kasaysayan sa kanya – Sen. Leila de Lima sa hindi pagso-sorry ni Pangulong Duterte sa war on drug victims
MOST READ
LATEST STORIES