Hindi na ikinagulat ni Senator Leila de Lima ang pagtanggi ni Pangulong Duterte na humingi ng paumanhin sa mga biktima ng war on drugs ng kasalukuyang administrasyon.
“Devil does not apologize. If he ever does, it is never sincere and never without an ulterior motive,” ang tweet ni de Lima.
Ayon pa sa senadora, kasaysayan na lamang ang huhusga kay Pangulong Duterte sa mga ginawa nito at aniya pagbabayaran niya ang lahat ng ito sa tamang panahon.
Naniniwala din ito na darating ang oras na sisingilin ang Punong Ehekutibo at mga kasabwat nito sa mga nangyaring patayan sa pagkasa ng kampaniya laban sa droga.
“The gavel shall fall, and not even his refusal to own up to his atrocities can cushion the blow of the ramifications of his cruelty. Evil does not reign forever. Soon, justice catches up,” dagdag pa ng reelectionist senator.
Sa kanyang pinakahuling ‘Talk to the People,’ sinabi ni Pangulong Duterte; “ Pero ‘yan ang sabi ko: I will never, never apologize for the death of those bastards. Patayin mo ako, kulungin mo ako, I will never apologize.”