Amihan, magdadala ng mahinang pag-ulan sa Batanes

DOST PAGASA satellite image

Umiiral pa rin ang Northeast Monsoon o Amihan sa Hilagang Luzon.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, magpapatuloy pa rin ang makulimlim na panahon at mahihinang pag-ulan sa Batanes bunsod nito.

Aniya, maaring bumaba muli at makaapekto sa Luzon ang Amihan sa darating na weekend.

Kaya naman paalala nito sa publiko, mag-ingat dahil posibleng makaranasan muli ng malamig na panahon.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing parte ng bansa, maliban na lamang sa isolated rainshowers.

Samantala, sinabi ng weather bureau na walang inaasahang low pressure area (LPA) o bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlong araw.

Read more...