Ipinasara ng pamahalaang lungsod ng Makati ang Berjaya Makati Hotel.
Ito ay dahil sa ginawang pagtakas sa quarantine facility ni Gwyneth Chua alyas ‘Poblacion girl’ na nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Atty. Don Camiña, head ng Makati City Law Department, tatlong buwang suspendido ang operasyon ng Berjaya.
Ayon kay Camiña, ipinatupad lamang nila ang suspension order ng Department of Tourism (DOT).
Nabatid na ang Business Permit and Licensing Office ng Makati City ang naghain ng closure order.
Pinagmulta rin ang Berjaya ng P13,200.
MOST READ
LATEST STORIES