17,220 pang kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas; Aktibong kaso, higit 56,000 na

Mula sa naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa araw ng Miyerkules, halos doble ang bagong napaulat na kaso sa araw ng Huwebes, January 6.

17,220 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Huwebes ng hapon, pumalo na sa 2,888,917 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 56,561 o 2.0 porsyento ang aktibong kaso.

1,837 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 49,988 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,954 ang moderate, 1,470 ang severe, habang 312 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 81 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 51,743 o 1.79 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 616 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 2,780,613 o 96.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...