Mayor Belmonte, may babala vs hoarders ng mga gamot

INQUIRER File Photo

Binalaan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang hoarders o nag-iimbak ng gamot laban sa ubo, sipon, lagnat at iba pa.

Ayon kay Belmonte, may kalalagyan ang mga hoarder ng anti-flu medicines.

“We will not hesitate to prosecute anybody found hoarding and profiteering these medicines. They are preventing citizens na gusto lang bumili ng gamot para sa kanilang pamilya. We won’t let them get away with this,” pahayag ni Belmonte.

Panawagan ni Belmonte sa publiko, isumbong ang mga indibidwal na nananamantala sa sitwasyon.

Maari aniyang makipag-ugnayan o tumawag sa Helpline 122 o maghain ng reklamo sa QCitizen Watch sa Quezon City Government Website.

Ayon kay Quezon City Legal Officer Atty. Niño Casimiro, maaring makasuhan ng paglabag sa Section 15 ng Republic Act No. 7581 o Price Act at Republic Act No. 7394 o Consumer Act ang mga nag-iimbak ng gamot at nananamantala.

Kasong kriminal aniya ang maaring kaharapin ng mga ito.

Nakipag-usap na rin ang Quezon City Health Department (QCHD) sa health centers’ medicine supplier na mag-imbak ng gamot laban sa lagnat, ubo at sipon.

“Mayroon pong available na libreng gamot sa ating health centers. With the help of our new pharmacy management system, hindi na tayo umaabot sa punto na nauubusan ng gamot para sa mga nangangailangan na residente,” pahayag ni QCHD OIC Dr. Esperanza Anita Escano-Arias.

Read more...