Ayon kay PSG chief Colonel Randolph Cabangbang, galing sa holiday break ang mga tinamaan ng virus.
Matapos ang pitong araw na mandatory quarantine, sumailalim sa RT-PCR ang mga PSG personnel at nabatid na 15 sa kanila ang nagpositibo.
Paglilinaw ni Cabangbang, hindi nakatalaga kay Pangulong Rodrigo Duterte ang 15 PSG personnel na nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi pa ni Cabangbang na pawang fully vaccinated na at asymptomatic ang mga nagpositibo sa virus.
Tinutugunan na aniya ng PSG Task Force COVID-19 ang mga pangangailangan ng 15 na PSG personnel.
Tinyak pa ni Cabangbang na palaging fit ang PSG personnel at nakahandang pangalagaan ang seguridad ni Pangulong Duterte at ng kanyang pamilya.