Registration para sa libreng swab test sa QC, pansamantalang isinara

Pansamantalang isinara ang registration site ng Quezon City Epidemiology & Disease Surveillance (QCESU) para sa libreng swab test.

Ayon sa Quezon City government, bunsod ito ng dami ng natatanggap na request.

Isinara ang registration simula 9:00, Miyerkules ng gabi (January 5), hanggang 9:00, Huwebes ng gabi (January 6).

Paalala ng QC LGU, hindi papayagan ang mga walk-in.

Sa huling datos hanggang January 5, nasa 5,607 ang bilang ng aktibong kaso ng nakahahawang sakit sa nasabing lungsod.

Read more...