BI, tiniyak na hindi maaantala ang serbisyo sa international ports

Inquirer file photo

Siniguro ng Bureau of Immigration (BI) na hindi maaantala ang serbisyo para sa mmga bibiyahe sa international ports.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, hindi babawasan ang work schedule ng kanilang mga tauhan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“There will be no diminution in the duty days of our port personnel as we are duty-bound to ensure that all international travelers who enter and exit our borders get the most efficient and hassle-free immigration service from our officers,” pahayag nito.

Ipinag-utos na aniya niya kay Atty. Carlos Capulong, hepe ng BI Acting Port Operations Division (POD), na panatilihin ang ipinatutupad na work scheme at schedule ng immigration personnel sa mga paliparan.

Dagdag nito, “In the past several weeks, we have seen a steady increase in the volume of international passengers entering and exiting our airports, thus it would only be prudent to keep our current manpower to ensure smooth and seamless service to the traveling public.”

Gayunman, isktrito pa rin aniyang susundin ng lahat ng BI port personnel ang health protocols, at pagsusuot ng personal protective equipment (PPE) habang naka-duty.

Kamakailan, inanunsiyo ng ahensya ang pagpapatupad ng 60-percent on-site work capacity sa main building nito sa Intramuros, Manila at iba pang satellite, field at extension offices sa Metro Manila mula January 3 hanggang 15, 2022.

Read more...