Ayon sa pamunuan ng ospital, dagsa ang mga pasyenteng nais magpakonsulta sa COVID-related symptoms sa SLMC sa Quezon City at Global City.
“We have dedicated Emergency Room areas for COVID and non-COVID cases for everyone’s safety,” saad nito.
Siniguro naman ng SLMC na ginagawa nila ang makakaya upang makapagbigay ng atensyong medikal sa lahat ng pasyente.
Para sa non-COVID cases, nananatiling bukas ang parehong ospital para makapag-accommodate ng admission at outpatient procedures at iba pang serbisyo.
Apela naman ng SLMC sa publiko, huwag magpakampante at istriktong sundin ang health protocols upang maiwasang mahawa ng COVID-19.