Mga laro sa PBA, ipagpapaliban muna “indefinitely”

PBA images

Maaring matagalan ang paghihintay ng mga fans para makita muli ang kanilang basketball idols sa paglalaro.

Nagdesisyon kasi ang PBA Commissioner’s Office na pansamantalang ipagpaliban ang mga laro hanggang sa unti-unting mapigilan ang nararanasang COVID-19 surge sa bansa.

Inaprubahan ng PBA Board of Governors ang naturang desisyon sa idinaos na special meeting noong Miyerkules, January 5.

Nais ng liga na makatulong upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Magbibigay din ng sapat na panahon ang pansamantalang paghinto ng mga laro para sa paggaling ng lahat at makapaghanda sa pagbabalik ng Governors’ Cup.

Suspendido rin ang lahat ng team scrimmages kahit na pinapayagan ito ng gobyerno sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 2.

Mula sa 10, ibinaba sa pito ng PBA ang bilang ng mga indibiduwal na makakasama sa team individual workouts.

Sa ngayon, tanging apat na manlalaro lamang ang pwedeng magsanay na may kasamang isang coach, isang safety officer at isang staff.

“Yung health and safety talaga ng lahat ang importante. Mahirap na, we can’t put the people under our care at risk, ganon din yung mga makakasalamuha nila. Mabuti na yung nag-iingat,” pahayag ni Comm. Willie Marcial.

Read more...