Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Odette, umakyat pa sa P11.1-B

Tumaas pa ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa.

Kasunod ito ng matinding pananalasa ng Bagyong Odette.

Base sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang 8:00, Huwebes ng umaga (January 6), tinatayang P11.7 bilyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Nasa 252,956 metric tons ang volume loss at 420,465 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan sa iba’t ibang probinsya.

Kabilang sa mga nasira ang bigas, fisheries, coconut, sugarcane, high value crops at iba pa.

Sinabi ng kagawaran na 389,316 na magsasaka at mangingisda ang apektado ng naturang bagyo.

Read more...