Mga aktibidad ni Pangulong Duterte sa labas ng Palasyo, tuloy pa rin

PCOO photo

Tuloy ang mga aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labas ng Palasyo ng Malakanyang.

Ito ay kahit na muling tumataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 dahil sa Omicron variant.

Ayon kay Presidential Spokesman Karlo Nograles, walang makapipigil sa Pangulo para gampanan ang kanyang tungkulin.

Katunayan, sinabi ni Nograles na ang Pangulo pa ang naghayag na magtutungo sa mga lugar na nasalanta ng Bagyong Odette.

Batid aniya ng publiko na aktibo ang Pangulo at nais makahalubilo ang mga tao.

Ayon kay Nograles, may mga nakalatag namang protocol sa bawat Presidential activity upang maproteksiyunan ang Pangulo at masiguro ang kalusugan at kaligtasan nito.

Read more...