Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 5.48 milyon na

Reuters photo

Lagpas 5.48 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 5,481,318 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 853,339.

Sumunod na rito ang Brazil na may 619,559 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 482,611 naman ang death toll sa India habang 313,015 ang napaulat na nasawi sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 299,711
– Peru – 202,867
– United Kingdom – 149,284
– Indonesia – 144,109
– Italy – 138,276
– Iran – 131,778
– Colombia – 130,140
– France – 124,809
– Argentina – 117,346
– Germany – 113,902

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 297,950,935 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 256,741,125 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...