Laguna isasailalim sa Alert Level 3

Google map

Isasailalim na rin sa Alert Level 3 ang probinsya ng Laguna.

Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Karlo Nograles, magiging epektibo ang Alert Level 3 sa January 7 hanggang 15, 2022.

Matatandaang nasa Alert Level 3 rin ang Metro Manila, Cavite, Bulacan at Rizal hanggang sa January 15.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, nasa 10,755 ang nagpositibo sa virus sa araw ng Huwebes, January 5.

Read more...