Walang bagyo na papasok sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw – PAGASA

DOST PAGASA satellite image

Patuloy na umiiral ang Northeast Monsoon o Amihan sa buong parte ng Luzon.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, magdadala pa rin ang naturang weather system ng makulimlim na panahon na may mahihinang pag-ulan sa Ilocos provinces, Cagayan Valley, Aurora at Northern portion ng Quezon.

Intertropical Convergence Zone (ITCZ) naman aniya ang nakakaapekto sa Southern portion ng Mindanao.

Bunsod nito, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Davao region, Zamboanga Peninsula, Sarangani, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, at Southern portion ng Palawan.

Maari namang makaranas ng mahihinang pag-ulan sa nalalabing bahagi ng Visayas, Mindanao at Palawan dulot ng localized thunderstorm hanggang Miyerkules ng gabi.

Magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at natitirang parte ng Luzon, ngunit hindi inaalis ang posibilidad na makaranas ng isolated light rains.

Wala namang binabantayang bagyo o low pressure area (LPA) ang weather bureau na maaring makaapekto sa bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Read more...