Pangulong Duterte, walang balak mag-sorry sa mga napatay sa drug war

INQUIRER File Photo

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na humingi ng sorry sa mga napatay sa madugong anti-drug war campaign.

Ayon sa Pangulo, kahit patayin pa o ipakulong siya ay hindi siya hihingi ng patawad.

“Pero ayaw ko na. Actually, ayaw ko na. Tapos na ako. Ayaw ko na talaga. Pero ‘yan ang sabi ko, I will never, never apologize for the death of those bastards. Patayin mo ako, kulungin mo ako, p***** i**… I will never apologize to…,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na noon pa man, nangako na siya sa taong bayan na ipatutupad ang law and order sa bansa at tututukan ang paglaban sa ilegal na droga.

Kasabay nito, sinabi ng Pangulo na nakahanda siyang tulungan ang mga sundalo at pulis sakaling makasuhan habang tinutupad ang tungkulin laban sa ilegal na droga.

Inulit din ng Pangulo na hindi niya kikilalanin ang International Criminal Court (ICC) na nagsasagawa ng imbestigasyon sa anti-drug war campaign ng adminitrasyong Duterte.

Read more...