Sa memorandum order no. 3-2022, ipinag-utos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang pagpapalawig ng work suspension para sa malawakang antigen testing at contact tracing sa iba pang mga empleyado na close contact ng mga apektado ng COVID-19.
Base kasi sa report ng Medical and Dental Service (MDS), hindi pa kumpleto ang antigen testing sa lahat ng Court personnel at empleyado ng service providers ng SC.
“All Court personnel and employees of SC service providers who have not yet undergone the antigen testing are direted to proceed to the SC testing center on or before January 8, 2022,” saad nito.
Kailangang pa ring mag-report on-site ng mga tauhan ng Office of the Bar Chair at Office of the Bar Confidant na sangkot sa 2020/2021 Bar examinations, maging ang Office of the Administrative Services-SC, MDS at Receiving Section ng Judicial Records Office na nakatoka sa e-filing.
“Chiefs of other offices/services may require a number of limited staff, who must not have any of the slightest symptoms of infection of the COVID-19 virus, to physically report on-site to attend to urgent matters pending in their offices/service,” dagdag nito.
Tiniyak ng SC na may nakahandang shuttle bus at iba pang SC utility vehicles para maghatid-sundo sa mga pagpapasuri at papasok sa trabaho.