15 tauhan ni Sec. Galvez, tinamaan din ng COVID-19

PCOO photo

Nagpositibo sa COVID-19 ang 15 sa mga tauhan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.

Sa ‘Talk to the People,’ iniulat ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte na naka-isolate siya ngayon matapos matamaan ng virus ang kanyang mga tauhan.

Agad na humingi ng paumanhin si Galvez kung hindi nakadalo sa meeting sa Malakanyang at sa halip ay sa online na lamang.

Bukod kay Galvez, naka-isolate rin sina Health Secretary Francisco Duque III at Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Parehong na-expose ang dalawang kalihim sa mga taong nagpositibo sa COVID-19.

Read more...