House Deputy Speaker Bienvenido Abante, Jr. positibo sa COVID-19

Congress photo

Sa ikalawang pagkakataon, nagpositibo sa COVID-19 si House Deputy Speaker Bienvenido Abante Jr.

Ayon sa mambabatas, bilang pag-iingat, sumailalim siya sa COVID-19 testing.

Natanggap aniya niya ang positibong resulta, Miyerkules ng umaga (January 5).

Sinabi ng kongresista na nakararanas siya ng pananakit ng katawan.

Tinututukan na rin aniya ng mga doktor ang kaniyang kondisyon.

Fully vaccinated na si Abante at nakatanggap na ng booster shot.

Hinikayat nito ang publiko, lalo na ang mga kapwa senior citizen, na magpabakuna at tumanggap na ng booster shot.

Read more...