PNP, nakapagtala muli ng higit 100 bagong kaso ng COVID-19

Nasa 100 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (January 5), 42,443 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Sa nasabing bilang, 262 ang aktibo pang kaso.

Dalawa namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.

Dahil dito, nanatili sa 42,056 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...