Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 295.43 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 295.43 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 295,436,982 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 58,040,720 cases.

Sumunod na rito ang India na may 35,011,990 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,323,837 naman ang kaso sa Brazil habang 13,641,520 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 10,589,505
– Russia – 10,570,212
– Turkey – 9,652,394
– Germany – 7,279,025
– Spain – 6,785,286
– Italy – 6,566,947
– Iran – 6,200,296
– Argentina – 5,820,536
– Colombia – 5,203,374

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,473,046 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 256,056,072 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...