Mga hindi bakunado na may medical condition, exempted sa pagbabawal na lumabas ng bahay – MMDA

DOTr photo

Nilinaw ni Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na exempted sa restrictions ang mga indibidwal na hindi pa bakunado kontra COVID-19 dahil sa medical conditions.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Abalos na nasa 100,000 hanggang 250,000 ang hindi pa bakunado sa Metro Manila.

“Well, iyong mga ganoong bagay, they should be really exempted ‘no. Hindi naman—I mean, of course, that’s very understandable; that’s medical condition,” pahayag ni Abalos.

Una rito, ipinagbawal ng pamahalaan na lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado maliban na lamang kung bibili ng mga pangunahing bilihin at pangangailangan.

Sinabi pa ni Abalos na naiintindihan ng pamahalaan na may pangangailangan ang bawat isa.

Read more...