PNP chief Carlos, driver at aide nito, positibo sa COVID-19

PNP photo

Positibo sa COVID-19 si Philippine National Police Chief Dionard Carlos.

Ayon kay Carlos, suspected Omicron variant ang tumama sa kanya.

Kinumpirma ni Carlos na positibo siya sa virus matapos sumailalim sa RT-PCR test noong Linggo, January 2, 2022.

Ayon kay Carlos, isa sa kanyang mga personnel ang nakaranas ng lagnat kung kaya nagpasya siyang magpa-RT-PCR test kasama ang kanyang mga close-in security at staff.

Sinabi pa ni Carlos na positibo rin sa COVID-19 ang kanyang driver at aide.

Ayon kay Carlos, nakaranas siya ng lagnat, body sweats, at chills at nanakit ang lower back.

Read more...