107 na PNP personnel tinamaan ng COVID-19

Manila PIO photo

Umakyat na sa 107 ang bilang ng tauhan ng Philippine National Police na nag-positibo sa COVID-19.

Ayon sa ulat ng PNP, nasa walong kaso lamang ang nag-positibo kahapon, January 3, 2022.

Dahil dito, nasa 164 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng PNP.

Nabatid na nasa 42,370 ang total cases ng COVID-19 sa PNP kung saan, 42,081 sa mga ito ay naka-rekober.

Nasa 125 na personnel naman ang namatay dahil sa virus.

Read more...