IBP Cebu City, nagkasa ng relief operations sa mga biktima ng #OdettePH

Photo credit: IBP – Integrated Bar of the Philippines Cebu City Chapter/Facebook

Nagkasa ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) ng dalawang relief operations sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Ayon sa IBP Cebu City President Atty. Michelle Mendez-Palmares, walong sasakyan, kabilang ang tatlong 10-wheeler truck mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Visayas Command, ang bumiyahe para ipadala ang tulong sa mga apektado ng bagyo.

Karga nito ang 50 sako ng bigas, 124 kahon ng mga de lata, at 527 bote ng 10 litro at pitong litro ng mineral water.

Naipamahagi ang suplay sa halos 900 pamilya sa Argao, isa sa mga bayan na matinding tinamaan ng bagyong Odette.

Matapos ito, convoy naman ang dalawang army trucks at dalawang sasakyan patungo sa Kalunasan para maipahatid ang tubig at de lata sa Cebu City Jail Male Dorm, Female Dorm at Operation Second Chance.

Nagpasalamat naman ang naturang chapter ng IBP para sa mga mapagbigay na donor, kasamahan, at kaibigan na nagtiwala sa paghahatid nila ng tulong.

“As we welcome 2022, may it bring prosperity, good health, more strength to serve and the graces to be channels of God’s love and kindness,” saad sa Facebook post nito.

Read more...