Sa pagpasok ng taong 2022, hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga residente na gawing prayoridad ang pagtanggap ng booster shots.
Kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, agad nagpulong ang alkalde at Task Force Omicron ng Quezon City government upang matalakay ang gagawing istratehiya para maiwasan ang pagkalat ng virus.
“The recent rise in cases is disturbing and alarming and I think it is better to be ready and plan ahead than to panic when the cases rise even more in the city. We will reinforce our successful strategies, which helped us survive the onslaught of the Delta surge,” pahayag ni Belmonte.
Tututukan ng Task Force Omicron ang Active Case Finding, Quarantine & Isolation, Enforcement of Health Protocols; at Boosters and Vaccination of the Population.
“We have a lot of vaccine doses which can boost the immunity of our constituents. We urge all QCitizens and the rest of the Filipino population to include booster shots in their list of new year’s resolutions,” ani Belmonte.
Tuluy-tuloy aniya ang operasyon ng vaccination sites sa lungsod para makapagbigay ng bakuna sa lahat.
“We also intend to intensify vaccination this month by adding more sites and teams,” dagdag nito.