Ayon sa pamunuan ng JJASGH, muling binuksan ang naturang ospital sa publiko bandang 6:00, Lunes ng gabi (January 3).
Nakapaglipat na kasi ang JJASGH ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19 sa mga quarantine facility, sa tulong ng Manila Health Department.
Sa pagbubukas ng naturang osppital, okupado pa rin ang halos 70 porsyento ng kama para sa COVID patients.
Sakaling mapuno ang mga kama, pansamantalang mananatili ang mga pasyenteng apektado ng nakahahawang sakit sa holding tents sa parking lot nito.
MOST READ
LATEST STORIES