Sa ulat, bandang 11:17, Lunes ng tanghali (January 3), nang madiskubre ang nakabiting 40-anyos na lalaki sa banyo ng Citadines Bay City Manila.
Nabatid na galing sa Papua New Guinea ang OFW at residente ng Taytay, Rizal. Dumating ang lalaki sa bansa bandang 8:00, Linggo ng gabi (January 2).
Bago nadiskubre ang bangkay, isang housekeeper ang kumatok sa pintuan ng kuwarto ng lalaki para bigyan ng almusal ngunit walang sumagot.
Bunga nito, nagpasaklolo na ang housekeeper sa dalawang empleyado ng hotel. Agad binuksan ang pinto at nadiskubre ang nakabitin na wala ng buhay na OFW.
Bahagi ng protocols na sumailalim sa ilang araw na quarantine sa isang pasilidad na itinalaga ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang Filipino na nagmumula sa ibang bansa hanggang sa makumpirma na negatibo sila sa COVID-19.