Inihayag ng Department of Health (DOH) na mas handa ang Pilipinas na harapin ang Omicron variant ng COVID-19.
Matapos ito ng paglaban ng bansa sa Delta variant.
Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire na nakapag-abiso sila sa mga ospital na palawakin ang mga kama at maghanda ng suplay ng gamot dalawang linggo bago sumapit ang unang linggo ng Enero.
Kung anuman ang naranasan noong mataas ang banta sa Delta variant, mas handa na aniya ang mga ospital sa bansa sa banta ng Omicron variant.
Tinukoy muli ang Pilipinas bilang ‘high risk’ sa COVID-19 transmission kasunod ng pagtaas muli ng mga kaso ng nakahahawang sakit.
Sa datos ng DOH hanggang January 3, nasa 4,084 ang bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.