May dalawang weather system na nakakaapekto sa bansa.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ana Clauren, umiiral ang Shear line sa Silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Magdadala pa rin ang naturang weather system ng kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Eastern at Central Visayas, Caraga at Northern Mindanao.
Nakakaapekto naman ang Northeast Monsoon o Amihan sa malaking parte ng Luzon, maging sa nalalabing bahagi ng Visayas.
Bunsod nito, iiral ang maulap na kalangitan na may mahihinang pag-ulan sa Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, at Bicol region.
Apektado naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan, Zamboanga City, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Dahil dito, makararanas din ang mga nabanggit na lugar ng kalat-kalat na pag-ulan.
Sinabi naman ni Clauren na walang inaasahang bagyo o low pressure area (LPA) na papasok o mabubuo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.