Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Odette, pumalo na sa P10-B

Pumalo na sa mahigit P10 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa bansa.

Kasunod ito ng matinding pananalasa ng Bagyong Odette.

Base sa datos ng Department of Agriculture (DA) hanggang 3:00, Lunes ng hapon (January 3), tinatayang P10.7 bilyon na ang kabuuang halaga ng pinsala sa CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Nasa 244,924 metric tons ang volume loss at 370,142 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan sa mga nabanggit na probinsya.

Kabilang sa mga nasira ang fisheries (P3.0 bilyon), bigas (P2.2 bilyon), coconut (P1.5 bilyon), high value crops (P1.5 bilyon), sugarcane (P1.2 bilyon), at iba pa.

Sinabi ng kagawaran na 163,760 magsasaka at mangingisda ang apektado ng naturang bagyo.

Nagsasagawa pa rin ang kagawaran, sa pamamagitan ng kanilang Regional Field Offices (RFOs), ng assessment sa pinsala sa agri-fisheries sector.

Patuloy din ang koordinasyon ng DA sa mga NGA, LGU at iba pang DRRM-related office ukol sa naging epekto ng bagyong Odette.

Read more...