Sen. Ping Lacson duda na ‘No El’ ang layon ng PDP-Laban petition

Sinabi ni presidential aspirant Panfilo Lacson na ang naisip niyang layon ng petisyon sa Commission on Elections ng PDP-Laban ay hindi matuloy ang nakatakdang national at local elections sa darating na Mayo.

 

Aniya sa ganitong paraan ay mapapalawig pa ang termino ni Pangulong Duterte na nakatakdang magtapos sa darating na Hunyo.

 

Diin ni Lacson ipinagbabawal ito sa 1987 Constitution.

 

Ibinahagi pa ng senador na kinausap na niya si Senate President Vicente Sotto III at ilang kapwa senador at aniya hindi nila dapat hayaan na hindi matuloy ang papalapit na eleksyon.

 

“SP Sotto and Speaker Lord Allan Velasco are both stepping down along with the President and Vice President on June 30. If such a scenario becomes imminent, before Congress adjourns, we will elect a new Senate President whose term expires on June 30, 2025. He/she shall act as President until a new President or Vice President shall have been chosen and qualified,” sabi pa nito.

 

Dagdag pa ng senador, sinang-ayunan na ng ilan sa mga kasamahan niya sa Senado ang kanyang posisyon.

Paglilinaw lang din ni Lacson na hindi niya pinararatangan ang administrasyon ng anumang masamang balakin ukol sa petisyon ng PDP Laban na buksan muli ang paghahain ng certificate of candidacy (COC).

 

Diin niya ginagawa lamang ng mga senador ang kanilang tungkulin na bantayan ang demokrasya sa bansa.

Read more...