Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (January 3), 42,292 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 57 ang aktibo pang kaso.
Tatlo namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, nanatili sa 42,110 ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
MOST READ
LATEST STORIES