Pumalo na sa 290.64 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 290,640,023 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 56,142,175 cases.
Sumunod na rito ang India na may 34,922,882 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 22,293,228 naman ang kaso sa Brazil habang 13,235,401 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– Russia – 10,537,966
– France – 10,250,358
– Turkey – 9,552,801
– Germany – 7,208,790
– Italy – 6,328,076
– Spain – 6,294,745
– Iran – 6,196,913
– Argentina – 5,694,930
– Colombia – 5,181,173
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,460,449 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 254,545,924 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.