Protektahan mga guro, mag-aaral sa pagsirit ng COVID 19 cases, apila ni Sen. Win Gatchalian

Ipinanawagan ni Senator Sherwin Gatchalian sa mga awtoridad na bigyan prayoridad ang kaligtasan ng mga guro at mag-aaral ngayon muling dumadami ang kaso ng COVID 19 sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

 

Bagamat sinuspindi na ang pilot testing ng limited face-to-face classes, kailangan pa rin ang pinaigting na COVID 19 testing sa mga guro para maiwasan ang hawaan sa mga eskuwelahan, lalo na ngayon nadadagdagan ang kaso ng Omicron variant.

 

Kailangan din aniya na paigtingin pa ang ikinakasang pediatric vaccination sa mga nasa edad 12 hanggang 17.

 

Binanggit ni Gatchalian na sa huling pagdinig sa Senado noong nakaraang Disyembre 17, iniulat ng Department of Health na 7.1 milyon sa 12.7 milyong menor-de-edad sa bansa ang nabakunahan na at 2.7 milyon sa kanila ang fully vaccinated.

 

Nanawagan din ito sa mga lokal na pamahalaan na paghandaan na ang pagbabakuna ng mga edad lima – 11 ngayon buwan.

 

Dapat naman aniya ang ibayong pag-iingat sa mga nagpapatuloy na limited face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

 

Read more...