Outbound passengers sa mga pantalan, nasa higit 29,000

Tuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2021.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 29,315 na outbound passengers sa mga pantalan habang 24,404 inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes (January 3).

Nasa 1,646 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 197 ang inspected vessels at 291 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Maliban sa maritime security at maritime safety, umaasiste rin ang PCG sa istriktong implementasyon ng health protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Read more...