New Year bigtime oil price hike ikakasa bukas

Sa ikaapat na araw ng bagong taon, malaking pagtaas sa presyo ng mga produktong-petrolyo ang sasalubong sa mga motorista.

 

Sa mga paunang abiso ng ilang kompaniya ng langis, simula ala-6 ng umaga bukas, araw ng Martes, muling papatungan ang presyo ng kanilang gasolina, krudo at kerosene.

 

Madadagdagan ng P1.85 kada litro ang halaga ng gasolina ng Shell, Seaoil, Cleanfuel at PetroGazz, samantalang P2.40 naman sa bawat litro ng diesel o krudo.

 

Ang kerosene ng Shell at Seaoil ay tataas ng P1.85 kada litro.

 

Magiging epektibo naman ang pagtaas ng presyo ng Cleanfuel sa ganap na alas-4:01 ng hapon.

 

Inaasahan na mag-aanunsiyo ng katulad na hakbang ang iba pang kompaniya ng langis.

 

 

Read more...