3 patay, 14 sugatan sa Bilibid New Year riot

Namatay ang tatlong preso, samantalang 14 ang nasugatan sa riot sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlup City kagabi.

 

Sinabi ni Bureau of Corrections (BuCor) spokesman Gabriel Chaclag ala-6 nang magsimula ang kaguluhan.

 

Aniya isang biro ang pinag-ugatan ng kaguluhan sa mga dormitory sa East Quadrant at nagkagulo na nang may magpaputok ng improvised shotgun.

 

Kasunod nito ay nagkaroon na ng palitan ng mga putok.

 

Kaniya-kaniyang self-defense na ang kanilang ginawa,” ayon sa opisyal.

 

Marami sa mga napa-ulat na sugatan ay may mga tama ng bala, sabi pa ni Chaclag.

 

Nabatid na pitong preso, na hinihinalang may malaking bahagi sa riot, ang nakilala at inilagay na sa isolation areas habang inihahanda ang isasagawang ‘disciplinary actions’ sa kanila.

Read more...