Nagkasundo ang lahat ng Metro Manila mayors na magpatupad ng mas mahigpit na protocols sa mga hindi pa bakunadong residente ng rehiyon.
Ito ang inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos kasunod na rin ng pagdami muli ng COVID 19 cases sa National Capital Region.
Sinabi nito, hindi dapat lumabas ng bahay ang mga hindi pa bakunado maliban na lang sa pagbili ng kanilang mga pangunahing pangangailangan.
“Para kang nag-ECQ only for the unvaccinated for their own protection,” sabi pa ni Abalos.
Simula ngayon araw hanggang sa Enero 15, iiral ang mas mahigpit na Alert Level 3 sa Metro Manila kasunod na rin ng biglang pagsirit ng kaso nitong nakalipas na Kapaskuhan.
MOST READ
LATEST STORIES